Ang gusto raw po ni Cristo ay kilalanin natin ang iisa at tunay na Diyos. Ano raw ba ang pakilala ni Cristo?
+++
Tara po mga kaibigan at suriin natin ang paborito nilang talata.
Tara po mga kaibigan at suriin natin ang paborito nilang talata.
John 17:3, Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, AT si Jesu-Cristo na iyong sinugo.
ANG NAIS PONG SABIHIN NG TALATA AY KILALANIN NATIN ANG NAGSUGO(AMA), "AT" ANG SINUGO(ANAK).
Naipakilala na ni Cristo ang Ama(verse 4). Paano naman makikilala ang Anak? Basahin po natin ang sunod na talata(verse 5).
John 17:5, Kaya Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang KARANGALANG TAGLAY KO sa piling mo BAGO PA LIKHAIN ANG SANLIBUTAN.
MALINAW PO NA INIHAHAYAG NI CRISTO ANG KANYANG PAGKA-DIYOS SA PAGSASABING "EXISTIDO" NA SIYA BAGO PA LIKHAIN ANG SANLIBUTAN. SI CRISTO SA SIMULA PA'Y SIYA NA.(cf. John 1:1, 8:58; 1John 1:1,2:13-14)
Ano ba ang karangalang taglay ni Cristo sa simula pa? Ang pagiging "Anak". KAYA HIGIT NA DAKILA ANG ANAK KESA SA MGA ANGHEL.(cf. Heb. 1:4-5)
Ano ba meron sa pagiging Anak? Nang susuguin na ng Diyos ang kanyang bugtong Anak sa sanlibutan, ito ang kanyang sinabi:
Heb. 1:8,10, Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, "Ang iyong trono, O DIYOS, ay magpakailanman, Ikaw ay maghaharing may katarungan." Sinabi pa rin niya, "Ikaw, PANGINOON, ang lumikha ng sangkalupaan. At ang iyong kamay ang gumawa ng sangkalangitan."
MALINAW PO NA ANG ANAK AY "DIYOS" at "PANGINOON".
John 20:27-28, "Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na." Sumagot si Thomas, "PANGINOON ko at DIYOS ko!"
KAYA KUNG SUSURIIN PO NATIN ANG PABORITO NILANG TALATA(JOHN 17:3), ANG NAIS IPABATID SA ATIN NI APOSTOL JUAN AY KILALANIN NATIN PAREHO ANG AMA(NAGSUGO) "AT" ANG ANAK(SINUGO).
1John 2:22-23, Ito nga ang anti-Cristo: ang ayaw kumilala sa Ama at sa Anak. Ang di kumikilala sa Anak ay di rin kumikilala sa Ama. Kapag tinanggap ninuman ang Anak, pati ang Ama'y sasakanya.
KAYA NGA PO DAHIL SA KANILANG MALING UNAWA SA JOHN 17:3, LUMALABAS TULOY NA SILA'Y MGA "ANTI-CRISTO".
~Lay Apologist
~Lay Apologist
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento