Powered By Blogger

Linggo, Nobyembre 20, 2016

''BAKIT MALI ANG ''FAITH ALONE''? 

Ang paniniwalang ito ay kilala sa katagang ''SOLA FIDE'' in Latin, na ang ibig sabihin sa pilipino ay ''PANANAMPALAYA LAMANG''. 
Itong aral na ito ay nagmula sa kauna-unahang protestante na isang former priest na tumalikod sa Inang Simbahan. Iilan din sa mga bagong iglesiyang nagsisibol ay may ganitong paniniwala, maliban sa ''Sola Scriptura'' o ''Bible Alone'' ay may mga aral din silang ''We don' need a religion'' kuno basta may faith lang and Bible.

http://en.wikipedia.org/wiki/Sola_fide#Excerpts_from_confessions_and_creeds_which_support_sola_fide

Tama kaya ang paniniwalang ito?

Ang kaligtasan ba ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya, o sa pamamagitan ng pananampalataya at mabubuting gawa?

Makapagliligtas ba ang pananampalataya lamang? HINDI PO.

Ayon po sa sulat ni apostol Santiago hindi po sapat ang pananampalataya lamang kylangan may kasamang gawa.

Santiago 2:24

24 Nakikita ninyong ang tao ay pinapaging-matuwid sa pamamagitan ng MGA GAWA at HINDIsa pamamagitan ng PANANAMPALATAYA LAMANG.

James 2:24
You see that a person is considered righteous by what they do and NOT BY FAITH ALONE.

Santiago 2:26

26 Kung paanong ang katawang walang espiritu ay PATAY, gayundin ang PANANAMPALATAYA na WALANG MGA GAWA.
~~

Hindi naman po kami tutol na mahalaga talaga ang pananampalataya sa isang tao. [Cathecism of the Catholic Church sec.one ''I believe'' We believe'' chapter 3 ''man's response to God]
Ang iyong pananampalataya ang maghahatid o magtutulak sayo sa paggawa ng mabuti at pagtulong sa kapwa. Ang pananampalataya ay isang PANINIWALA sa isang Diyos o mga diyos, mga doktrina o aral, kaya ang pananampalataya ay nakadipende sa simbhang kinabibilangan mo. Kung ang maninwala ka sa ''pananampalataya lamng'' dahil ito ang sabi ng iyong pastor o aral ng iyong simbahan ay maaring mahulog sa pagkakamali ang iyong pananampalataya.

Sapagkat ang katotohahan ay HINDI sapat ang PANANAMPALATAYA lang upang ang isang tao maligtas. Marami nga sinabi sa Biliya na kung meron kang pananampalataya ay maliligtas ka.Gaya ng mababasa natin sa Efeso 2:8-9.

Ngunit ang tunay na pananampalataya ay may gawa, pag-ibig na siyang tunay na may kaligtasaan.

~~

Ang pananampalatayang hiwalay sa PAG-IBIG at GAWA ay panloloko sa sarili, patay, at walang kabuluhan.


1 Mga Taga-Corinto 13:2

2 Kahit na may kaloob ako ng paghahayag, at ng pagkaalam sa lahat ng mga hiwaga at nasa akin ang lahat ng kaalaman, WALA AKONG HALAGA kung WALA AKONG PAG-IBIG. Kahit na may matibay akong pananampalataya upang mapalipat ko ang mga bundok, kung wala akong pag-ibig, WALA AKONG HALAGA.

Spagkat kung may pag-ibig ka ibig sabihin may pananampalataya ka sapagkat ang lahat ng kautusan ng Diyos ay naging ISA ng PAG-IBIG.

Mark 12:29-10
"The most important one,....
LOVE the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind and with all your strength.'
The second is this: 'LOVE your neighbor as yourself.' THERE IS NO commandment GREATER than these."

~~

Ayon sa wika ng Panginoong Hesus na hindi lahat ng tatawag sa Kanyang pangalan ay maliligtas, samakatuwid HINDI LAHAT ng may PANANAMPALATAYA LAMANG na walang gawa at puro bibig lang ay maliligtas.

Mathew 7:21
"Not everyone who says to me, 'Lord, Lord,' will enter the kingdom of heaven, but only the one who does the will of my Father who is in heaven.

Mateo 7:21
Hindi ang bawat isa na nagsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, ay makakapasok sa paghahari ng langit, kundi ang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.

Kaya ito po ang tanong ni apostol Santiago sa mga naniniwala sa ''faith alone,

James 2:14
What good is it, my brothers and sisters, if someone claims to have faith but has no deeds? Can such faith save them?

Ang tanong kung ang pananampalataya mo ngayon ay sapat na ganyan lang para maligtas ka?
Kaya mas marapat po na gawin natin ang lahat ng kabutihan sa kapwa na may pag-ibig, kung mahal mo ang iyong kapwa ay tumulong ka lalo na sa mga nangangailangan. Gawin mo ang lahat ng bagay na maaring maitutulong mo sa kapwa hindi lang sa physical na pangangailangan[pagkain at damit], lalong lalo na spiritual na pangngailangan. Ipagdasal mo sa Diyos na sana gawin ka niyang instrumento para makatulong sa mga tao. Palakasin ang loob nang maishare at maipangaral sa iba ang Salita ng Diyos na posbling maghahatid sa kanila sa kaligtasan.

Sapagkat ang Diyos ay hahatulan ang LAHAT ayon sa MGA GAWA.

Mateo 16:27
27 Ito ay sapagkat paparito ang Anak ng Tao sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama, kasama ng kaniyang mga anghel. Gagantimpalaan niya ang mga tao AYON sa kanilang MGA GAWA.

Matthew 16:27
For the Son of Man is going to come in his Father's glory with his angels, and then he will reward each person ACCORDING to what they HAVE DONE.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento