Powered By Blogger

Linggo, Nobyembre 20, 2016

ISINILANG ANG MESIAS O CRISTO NG 'ITINAKDANG BABAE'
.
.
.
Ang mga ibang SEKTA ay kulang ang pagmamahal kay Maria dahil para sa kanila GINAMIT lang daw siya ng Diyos. Dagdag pa nila, kung sakaling TUMANGGI raw si Maria ay hahanap na lang ang Diyos ng ibang birhen na magsisilang sa Mesias.
.
Ngunit ang TOTOO po ay ITINAKDA ng Diyos ang BABAE na nagsilang sa Cristo sa tamang panahon. Kaya masasabi po nating NASA PLANO talaga ng Diyos ang ina ng ating Panginoon, si Birhen Maria.
.
“At papagaalitin ko ikaw at ang BABAE, at ang iyong binhi at ang KANIYANG BINHI: ito ANG DUDUROG NG IYONG ULO, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong."(Genesis 3:15, ANG DATING BIBLIA)
.
Malinaw po na ITINAKDA ng Diyos ang pagsilang ng BABAE sa Mesias na DUDUROG sa ulo ng ahas(Satanas). At ito po ay nangyari sa TAMANG PANAHON. Kaya nga po mapapansin natin na sa halip na Maria, ang ginamit ni apostol Pablo sa kanyang sulat ay BABAE. Gusto po kasing ipabatid ni San Pablo na si Maria ang ITINAKDA ng Diyos, ang BABAE na magsisilang sa Cristo.
.
“Ngunit nang sumapit ang TAKDANG PANAHON, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang BABAE at namuhay sa ilalim ng Kautusan . . ."(Galacia 4:4, BAGONG MAGANDANG BALITA BIBLIA)
.
Kaya nga po MALI ang katwiran ng ibang SEKTA na kung tumanggi raw si Maria ay hahanap na lang ng iba. Kung nagkataon ay HINDI na sa takdang panahon isisilang ang Mesias. Sapagkat ang kunwaring pagtanggi ni Maria ay may EPEKTO sa daloy ng panahon.
.
Subalit TALASTAS ng Diyos ang lahat ng bagay. Hindi pa umiimik si Birhen Maria, alam na ng Diyos na hindi siya tatanggi sa kalooban Niya.
.
“Sapagka't WALA PA ANG SALITA sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, NATATALASTAS mo nang buo."(Psalm 139:4, ANG DATING BIBLIA)
.
Si Birhen Maria ang NASA PLANO ng Diyos. NAKITA na siya ng Diyos at kilala nang lubos BAGO PA MAN SIYA ISILANG. Kaya batid Niyang buong pusong tatanggapin ni Maria ang Kanyang kalooban.
.
“Ako'y iyong NAKITA NA, HINDI PA MAN ISINILANG,
batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay;
pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, MATAGAL NANG BALANGKAS mong ikaw lamang ang may alam."(Awit 139:16, BAGONG MAGANDANG BALITA BIBLIA)
.
Kumpara po sa ibang sekta, ang IGLESIA KATOLIKA ay BUO ang pagmamahal kay Birhen Maria dahil sa KATOTOHANANG siya ang NASA PLANO ng Diyos, ang BABAENG ITINAKDA na nagsilang sa Mesias sa TAMANG PANAHON. Siya ang bukod na PINAGPALA sa lahat ng mga babae. At nararapat siyang IGALANG at MAHALIN sapagkat siya ang INA NG DIYOS(cf. Lucas 1:42-43). Kaya siya ang nag-iisang BLESSED VIRGIN MARY.
.
“. . . Mula ngayon, ANG LAHAT NG TAO'Y TATAWAGIN AKONG MAPALAD; dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Siya'y banal!"(Lucas 1:48-49, BAGONG MAGANDANG BALITA BIBLIA)
.
.
TO GOD BE THE GLORY! O:)

.
AD MAJOREM DEI GLORIAM!
.

~Lay Apologist

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento