IGLESYA NI CRISTO AT IGLESYA NG DIYOS: PATOTOO NA SI CRISTO AY DIYOS
.
.
MATATANDAAN po natin na sa Mateo 16:18, MALINAW na inihayag ng ating Panginoong Jesu-Cristo na itatayo niya ang KANYANG IGLESYA.
.
Mateo 16:18, "At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESYA, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan."
.
Malinaw po na si Cristo ang NAGTATAG ng iglesya. Kaya naman, ang iglesya sa Roma at LAHAT ng iglesya ay MGA IGLESYA NI CRISTO.
.
Roma 16:16, Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng LAHAT ng MGA IGLESYA NI CRISTO.
.
Ang mga iglesyang ito ang DATING inusig ni San Pablo(Saulo) at sinikap niyang wasakin noong una.
.
Gawa 9:3-5, Naglakbay si Saulo patungong Damasco. Nang siya'y malapit na sa lunsod, biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakasisilaw na liwanag mula sa langit, anupat nasubasob siya. At narinig niya ang isang tinig na nagsalita sa kanya, "Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?" "Sino po kayo, Panginoon?" tanong niya. "AKO'Y SI JESUS, ANG IYONG INUUSIG." tugon sa kanya.
.
Galacia 1:13, Hindi kaila sa inyo kung paano ako numuhay bilang masugid na kaanib ng Judaismo. Buong lupit kong inusig ang IGLESYA NG DIYOS at sinikap na ito'y wasakin.
.
Ngunit si Saulo ay HINIRANG ng Panginoon at naging lingkod ng Diyos.(cf. Gawa 9:15, Gal. 1:15)
.
Si San Pablo na DATING UMUSIG sa mga iglesya ni Cristo ay NAGING KAKAMPI at KAISA ng mga Cristiano. At siya'y NANGARAL tungkol sa TUNAY na Mabuting Balita.(cf. Gal. 1:8-9, 22-24) At PINATATAG niya ang loob ng mga kapwa niya mananampalataya kay Cristo.
.
1Tesalonica 2:14-15, Ang nangyayari sa inyo, mga kapatid, ay tulad ng nangyari sa MGA IGLESYA NG DIYOS sa Judea, sa mga naroroong nananalig kay CRISTO JESUS. Inuusig kayo ng inyong mga kababayan, tulad ng mga taga-Judea na inusig ng kapwa nila Judio na siyang pumatay sa Panginoong Jesus at sa mga propeta. Sila rin ang umusig sa amin. Salungat sila sa kalooban ng Diyos at kaaway ng lahat ng tao.
.
Ang iglesya ay tinawag ni San Pablo na IGLESYA NG DIYOS sapagkat TOTOONG DIYOS si Cristo.
.
Filipos 2:5-8, Magpakababa kayo tulad ni Cristo Jesus: KAHIT SIYA AY DIYOS, hindi siya nagpumilit na manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip ay kusa niyang binitawan ang karapatan niyang ito, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng isang karaniwang tao, siya'y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus.
.
Ang IGLESYA ay "iglesya ni CRISTO" dahil ang Panginoong Jesu-Cristo ang NAGTATAG nito. Gayundin, ang IGLESYA ay "iglesya ng DIYOS" sapagkat ang NAGTAYO nito ay TOTOONG DIYOS, ang Panginoong Jesus.
.
PRO DEO ET ECCLESIA!
~Lay Apologist
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento