Powered By Blogger

Linggo, Nobyembre 20, 2016

SUMASAMBA DAW SA DIYOS-DIYOSAN ANG MGA KATOLIKO?



Masakit isipin na may mga taong ganito na lamang ang PAGKILALA sa mga LARAWAN ng ating Panginoong HesuKristo. 
Ang masasabi ko lang, kayo po ang may desisyong SABIHIN ang mga BAGAY na iyan. Pero tandaan niyo po kayo lang may sabi na ang mga larawan ni Hesus ay mga idols. WALA pong mga DIOSDIOSAN ang mga KATOLIKO. Ganun lamang po ang PAG-IBIG namin sa Diyos may mga BAGAY sa PALIGID natin na naging DAAN sa PAG-ALALA na ang DIYOS ay KASAMA lang natin at SUMASAATIN.

Ang mga ESTATWA sa loob ng mga SIMBAHANG Katoliko ay tulad din ng mga monumentong nakikita natin sa lahat ng bayan.
ILINALARAWAN nila at IPINAALALA sa atin ang kabayanihan, kabanalan, at mabuting pamumuhay ng ilang mga taong naging taga-sunod ni Hesus dito sa lupa at ngayon ay nasa harapan na ng Diyos.
Ang alaala ng mga taong ilinalarawan ng mga imaheng ito ay nagsisilbing inspirasyon at huwaran nating mga nandito pa sa lupa at patuloy na nakikibaka.

**

At tungkol naman po sa PAGLUHOD ng mga KATOLIKO sa Simbahan.
Ang PAGLUHOD ay HINDI laging PAGSAMBA. Maaaring ang sumasamba ay lumuluhod, pero hindi pagluhod lang ang pagsamba.

Gaya ni Cornelio ay nagpatirapa sa harap ni Apostol San Pedro at sumamba sa kanya, kaya siya ay sinaway ni Pedro…

(Gawa 10:25,26)
Sinalubong ni Cornelio si Pedro, NAGPATIRAPA sa harap nito at sinamba. Ngunit sinabi ni Pedro, “Tumayo kayo, ako’y TAO ring tulad ninyo.”

Ganun din si Apostol San Juan, NAGPATIRAPA sa harap ng Anghel upang SUMAMBA kaya siya ay SINAWAY ng AngheL.

(Pahayag 22:8)
Akong si Juan ang nakarinig at nakakita sa lahat ng ito. Matapos kong marinig at makita ang lahat, ako’y nagpatirapa sa paanan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga ito upang siya’y sambahin. Ngunit sinabi niya, “HUWAG! Ako ma’y ALIPIN DING tulad mo, at tulad din ng iyong mga kapatid na propeta at ng lahat ng sumusunod sa mga salita sa aklat na ito. Ang DIYOS ang SAMBAHIN MO!”

May PAGLUHOD din NAMAN na HINDI PAGSAMBA tulad ng ginawa ni Bathesheba sa harapan ni Haring DaviD.

(1Hari 1:15)
Pumunta nga si Batsheba sa silid ng hari. Ang hari noon ay matandang-matanda na at si Abisag, ang dalagang taga-Sunem ang nag-aalaga sa kanya. Yumuko si Batsheba at nagpatirapa sa harapan ng hari. “Anong kailangan mo?” tanong ng hari.

Mapapansin natin na HINDI SINAWAY ni Haring David si Batsheba sa kanyang pagpapatirapa o PAGLUHOD sa HARAP NITO sapagkat HINDI NGA LAHAT ng PAGLUHOD ay PAGSAMBA na AGAD.
Hindi PORKET NAKALUHOD kaming mga KATOLIKO sa HARAP ng mga LARAWAN ay SINAMBA na namin yung MISMONG LARAWAN.

MISMO pong si JOSHUA at ang mga ISRAELITA ay SINADYA na SA HARAP ng mga IMAHEN ng KERUBIN MAGPATIRAPA.

Josue 7:6
At hinapak ni Josue ang kaniyang mga suot, at NAGPATIRAPA sa lupa SA HARAP ng KABAN ng Panginoon hanggang sa kinahapunan, siya at ang mga matanda ng Israel; at sila'y nagsipagbuhos ng alabok sa kanilang ulo.

Ang mga IMAHEN po ng KERUBIN ay NASA IBABAW ng KABAN ng PANGINOON kaya NAGPATIRAPA si JOSHUA at ang mga ISRAELITA SA HARAP ng MGA IMAHEN na YAN.

Ibig ba ninyong sabihin ay GINAWA NILANG DIYOS ang MGA IMAHEN ng KERUBIN?

DIBA PO HINDI?

SAPAGKAT inuulit ko ang PAGLUHOD ay HINDI AGAD PAGSAMBA.
Ang PAGSAMBA ng MGA KATOLIKO ay HINDI PARA SA LARAWAN MISMO kundi sa DIYOS lamang po.
Sapagkat ang PAGSAMBA HINDI NAKIKITA sa KILOS, ito ay NAAYON sa iyong PUSO. PUSO mo ang NAKAKAALAM kung ILAN at SINO ang DIYOS mo.

**

Totoong IPINAGBAWAL ng DIYOS ang mga DIOSDIOSAN. Sapagkat Siya lamang ang NAG-IISANG Diyos kaya ayaw Niyang GUMAWA ang mga ISRAELITA na GUMAWA ng LARAWAN at GAWIN ITONG DIOSDIOS ngunit GINAWA parin ito ng mga ISRAELITA at ALAM na ng Diyos yun na SUSUWAY sila.

ISAIAS 44:9-11
9Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto, at walang kabuluhan ang mga diyus-diyosang kanilang pinahahalagahan. Mga bulag at hangal ang SUMASAMBA sa MGA ITO, kaya sila’y mapapahiya. 10Walang IDUDULOT na MABUTI ang PAGGAWA ng mga REBULTO para SAMBAHIN.
11Tandaan ninyo, ang SUMASAMBA sa mga ITO ay mapapahiya lamang.

Klaro po na WALANG KWENTA po talaga ang TAONG SUMASAMBA sa LARAWAN. Take note: ''PAGGAWA ng REBULTO 'PARA' SAMBAHIN.''
Kaya HINDI po mga KATOLIKO ang TINUTUKOY sa TALATANG yan sapagkat alam po nating LAHAT kung nagbabasa po kayo ng Bibliya sa Lumang Tipan at sa kapanahonan nito ay MARAMI talagang BAYAN na may IBANG dios at yan ay mga diosdiosan halimbawa, nating baka,mga ibat-ibang hayop baal, araw at buwan at mga anitos na siyang SINASAMBA ng mga NAUNANG Filipino.

Kaya HINDI po yan KATOLIKO sapagkat ang sabi jan ''gumawa ng rebulto para SAMBAHIN'', ngunit ang KATOLIKO ay GUMAWA ng LARAWAN para ALALAHANIN.

**

Ngunit sa di nagtagal na ibinigay ng Diyos ang Sampung Utos ay NAGPAGGAWA din Siya ng LARAWAN o REBULTO.

Ibig sabhin ba non KINONTRA ng Diyos ang Kanyang sarili sa Exo.20:4?

HINDI PO.

Sa Exodo 25:18, IPINAG-UTOS ng DIYOS na lagyan ng DALAWANG KERUBIN gawa sa ginto ang dalawang dulo ng luklukan ng Awa (Mercy seat inside the Ark of the Covenant).

Sinabi pa ng Diyos kung paano iluluklok ang mga larawan: tig-isa sa magkabilang dulo, magkaharap sa parehong nakatungo, at nakabuka ang mga pakpak na parang nilulukuban ang luklukan ng Awa.

Ang Diyos MISMO ang NAG-UTOS na IPAGAWA ang mga KERUBIN, ngunit ‘DI upang SAMBAHIN.

Sa Bilang (Numbers) 21:8, NAGPAGAWA ang DIYOS ng iISANG AHAS na TANSO na ipinalagay sa dulo ng isang patpat. Ang sino mang nakagat ng ahas at tumingin sa ahas na tanso, ay naligtas sa kamatayan.

NAGPAGAWA na NAMAN ang Diyos ng isang IMAHEN, HINDI para SAMBAHIN kundi upang maging LARAWAN ng KALIGTASAN ng mga Israelita.

MALINAW na ang PAGGAWA ng IMAHEN at pagbigay-parangal sa tunay na Diyos at mga banal GAMIT ang MGA ITO ay may PINAGBABATAYAN sa Banal na Kasulatan at HINDI lamang bunga ng SARILING KAGUSTUHAN ng SIMBAHAN.

Ang PAGLUHOD(kneeling) ay isa lang sa mga POSISYON ng tao habang nagdarasal. Ang iba ay nakatayo, nakahiga at ‘prostrate’ – nakadapa na derecho ang kaliwa’t kanang kamay na parang nakapako sa krus. HINDI ibig sabihin na pag LUMUHOD ang isang tao ay SUMAMBA na agad ito.

(Filipos 2:9-11)
“…at ibinigay sa kanya ang PANGALANG higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Hesus ay LULUHOD at MAGPUPURI ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon.”

Tanging mga KATOLIKO lamang ang LUMULUHOD sa ORAS ng PAGSAMBA.
Ang Ibig sabihin lang nito ay TANGING mga KATOLIKO lamang ang TUNAY na NAGPUPURI SA DIYOS.

**

AT tungkol naman sa MGA NAGSASABI na ang MARAMI daw ang MUKHA ng PAnginoon at HINDI daw masiguro kung ANO talaga ang MUKHA ng Panginoon.
Iba-iba man ang itsura, IISANG Pangalan lang ang pumapasok sa ISIP ng mga Katoliko kapag nakikita ang mga imahen na yan, walang iba kundi si..

H-E-S-U-S.
Kayo lang ang NAKA-ISIP ng “ibang Kristo”, malamang kayo ang may kilalang IBANG KRISTO.
Kayo ang nakakaisip ng tungkol sa “ibang Kristo” at ang malala pa kung minsan, mga PAGAN GODS ang NAALALA niyo o kaya DEMONYO.

Ngunit kami, si HESUS na PANGINOON at TAGAPAGLIGTAS ang nasa PUSO at ISIP namin.

**

Para sa KALINAWAN ng mga bumabasa, ang PAGKAKAROON ng mga LARAWAN ng mga taga-sunod ni Hesus ay hindi porma ng idolitria o PAGSAMBA sa maling mga diyos; sa halip, ito ay pagkilala sa kabutihan ng May-likha sa pamamagitan ng kanyang mga nilikha.

Hindi ba’t ang paghanga sa isang likha ng sining ay paghanga sa lumikha nito?

Hindi ba’t ang simpleng pagtitipid ng tubig at hindi pagsira sa kalikasan ay isang paraan ng pag-appreciate sa mga regalo ng Diyos?

Hindi ba’t ang pagtatayo ng bantayog para sa isang bayani ng bayan ay tumutulong sa kaisipan ng mga kabataan upang tularan ang pagiging mabuting mamamayanan ng taong iyon?

PAGKILALA sa kadakilaan ng Diyos, PASASALAMAT sa kanyang kabutihan, at PAGLAGAY ng huwaran at INSPIRASYON ang pangunahing LAYUNIN ng PAGKAKAROON ng mga LARAWAN ng mga taga-sunod ni Hesus. Ang idolatria ay NAGMUMULA sa PUSO.I
big sabihin ay sa SARILING INTENSYON at HINDI sa PAGKAKAROON ng mga LARAWAN.

Para sa mga MAHAL kong KATOLIKO,

''Hayaan nating TAYO ang USIGIN kaysa tayo ang NANG-UUSIG, sapagkat alam natin sa ating mga sarili na WALANG KATOTOHANAN ang kanilang mga SINASABI. Sana ay HINDI tayo MATULAD ng mga TAONG walang naiintindihan at MABILIS lang MAGTURO ng mga pagkakamali sa IBANG TAO.''

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento