Powered By Blogger

Linggo, Nobyembre 20, 2016

''PAPAANO BA NATING MAPAPATUNAYAN NA DIYOS SI HESUKRISTO?!'' 

Una, kung babalikan natin ang tanong ng ating Panginoong Hesus sa Kanyang mga taga-sunod na Kanyang sinabi na, 

'' Ayon sa sinasabi ng mga tao, sino raw ba ako na Anak ng Tao?'' 

Ang sagot ng mga apostol ay ito,

''Sinabi nila: Ang sabi ng iba: Si JUAN na tagapagbawtismo. Ang sabi ng ilan: Si ELIAS. At ang iba ay nagsabing ikaw si JEREMIAS, o isa sa mga PROPETA.''

Alam naman nating lahat na MALI at walang ni ISA ang TAMA, ang PAGKILALA ng mga tao sa PANAHON na NANDITO pa si Hesus, kahit ang mga AOPSTOLES, hindi tiyak kung SINO talaga si HESUS. Marami ang HINDI talaga NAKAKAKILALA ng GANAP sa Panginoon kahit na NASILAYAN nila Siya at ang mga GAWA Niya.

Ngunit tinanong ulit ng Panginoon ang Kanyang mga TAGA-SUNOD,

''Ngunit ayon sa inyo sino ako?''

Sa lahat ng taga-sunod, si apostol San Perdo lamang ang TAHASANG sumagot sa tanong ng Panginoon.

Sagot ni Pedro, '' Ikaw ang Mesiyas[Kristo], ang Anak ng Diyos na buhay.''

Ngayon sino naman sa inyo ang HINDI kumilala kay si HEsus bilang ''ANAK NG DIYOS'''?. Wala naman siguro, alam nating lahat na Siya ay 'ANAK NG DIYOS'.

Ngunit ang PAGIGING 'Anak ng Diyos' ba ni JESUS ay hanggang DON lang?
Isa ba Siya anghel na Anak ng Diyos o TAO LANG na Anak ng Diyos o Espesyal na tao na Anak ng Diyos?

Alam nating Anak Siya ng Diyos, ISA Siyang TAO ng MAKILALA at MAKITA ng mga APOSTOLES at ng mga TAO sa PANAHON na nandito Siya.
Ngunit ang tanong,' '' TAO lang ba talaga Siya.''?
Ang KALAGAYAN Niya ba ay TAO lang? Maliban don WALA NA?

**

Ulit, kung BABALIKAN natin ang TANONG ng Panginoon noon sa Kanyang mga tagasunod. Kung tatanungin Niya tayo.

''SINO AKO PARA SA IYO''?

Isa itong mahalagang TANONG.
Now, ano ba ang PAGKILALA ng IBAT-IBANG SIMBAHAN patungkol sa Kanya.
Ang PANINIWALA at PAGKLALA kasi kay Hesus ay NAAYON sa RELIHIYON na KINABIBILANGAN mo. Kung ang ARAL ng Simbahan Niyo ay GANITO, GANYAN.
Yan na rin ang PANINIWALAAN mo.

May Simabahang NAGSASABI na si Hesus ay Diyos ngunit mas MABABA sa Ama at hindi PANTAY ng Ama, may nagsasabi din na Siya ay TAO lang at hindi existed sa pasimula. May nagsasabing, IBA Siya sa lahat ng TAO, pero TAO lang talaga ang KALAGAYAN at HINDI DIYOS.

**

Pinakilala ng Ama si Hesus bilang Kanyang Bugtong Anak,

Mateo 3:17 (SND)

17 Narito, isang tinig mula sa langit ang nagsabi: Ito ang pinakamamahal kong ANAK na labis kong kinalulugdan.

Malinaw na si Hesus ay ''Anak ng Diyos'' .
Kung si Hesus ay ''anak ng Diyos'', HINDI DIN BA SIYA DIYOS GAYA NG KANYANG AMA?

Kung ang mga magulang ko ay tao, at tinawag ako as ''anak ng tao'', sa tingin niyo hayop ako?
Ang 'anak ng tao'' ay ''tao''
Ang ''anak ng Diyos'' ay 'Diyos'.

Samakatuwid si Hesus ay ''Anak ng Diyos''. Siya rin ay Diyos.

Hindi din naman maitatanggi na si Hesus ay ''ANAK NG TAO.''

He called Himself as ''Son of Man''
Mark 14:21
Luke 7:34
Mat. 9:6

ALAM naman namin yun na Siya ay TOTOONG TAO.
Ang PANINIWALA ng Simbahang Katoliko, si HESUS ay TOTOONG TAO at TOTOONG DIYOS.

Ngunit ito naman ang Kanilang itatanong,

''Kung anak ng Diyos ay Diyos, tayong lahat ay mga Anak ng Diyos, DIYOS na DIN tayo?''

Ans. Ang pagging 'Anak ng Diyos'' ni HesuKristo ay iba sa PAGIGING ''anak ng Diyos'' natin. Iba yung 'Son of God'' sa ''Sons of God'' or 'Children of God' Rom. 8:14

Ang 'Anak ng Diyos' ay ISA lang yun, ayon na rin sa Bibliya.

1 John 4:9 New International Version
This is how God showed his love among us: He sent his ONE and ONLY Son into the world that we might live through him.

New International Version
For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.

Take note: ONE & ONLY

**

Ang Pangalang ''AMA'' ay NALIKHA nung naparito ang ''ANAK''.
Kaya may 'AMA' dahil may 'ANAK'.

Bukod sa IPINAKILALA ng Ama ang si Hesus bilang Kanyang NAG-IISANG ANAK, ipinakilala din naman ni Hesus ang Kanyang Ama bilang Kanyang Ama.

''AMA at ANAK''

SINO SILA?

Ayon sa SINAGOT ni Hesus sa mga Judio ng tinanong Siya ng mga ito na kung SINO BA TALAGA SIYA ay ito;

''AKO AT ANG AMA AY IISA'' Juan 10:30

Hindi man direktang PAG-AANGKIN na Siya[Hesus] ay Diyos ngunit MALINAW ang Kanyang IPINAPAHIWATIG.
Kaya nga nang SINABI ni Hesus ang linyang iyan ay agad Siyang binato ng mga Judio.

Juan 10:33

33 Sumagot ang mga Judio sa kaniya na sinasabi: Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mabuting gawa kundi dahil sa iyong pamumusong. Ginagawa mong DIYOS ang SARILI MO, ikaw na isang TAO.

Malinaw na IPINANTAY ni Hesus ang Kanyang SARILI sa Ama.
Dito, IPINAKILALA Niya ang Kanyang SARILI bilang IISA ng AMA at BILANG DIYOS.

Bakit ano ba ang TANONG ng mga Judio kay HESUS kung bakit ganun ang Kanyang SINAGOT?

Juan 10:24

24Nilibot nga siya ng mga Judio, at sa kaniya'y sinabi, Hanggang kailan mo pa baga pagaalinlanganin kami? Kung ikaw ang CRISTO, ay sabihin mong MALIWANAG sa amin.

Ganun paman, kahit na MALINAW ang SINABI ng Panginoon ay HINDI PARIN ito TINATANGGAP ng ibang Kristiyanos maging ang mga Islam/Muslim.
Sinabi nila na ang gusto daw sabihin ng Panginoon ay,

AKO at ang AMA ay NAGKAKAISA. NAGKAKAISA DAW SA PAG-AALAGA NG MGA TUPA.

IISA tapos GINAWANG NAGKAKAISA?

Tinanong ba ng mga Judio si Hesus kung ano ang TUNGKULIN ng Niya[Hesus] at ng Ama o tinanong ba kung papaano Nila aalagaan ang mga TUPA?

Alam nilang IISA ngunit HINDI nila TINATANGGAP at SINASAMPALATAYAAN dahil HINDI sila mga TUPA ng Panginoon.

Juan 10:26

26 Hindi kayo sumasampalataya sapagkat HINDI kayo kabilang sa AKING mga TUPA gaya ng sinabi ko sa inyo.

**

Si Hesus ay Diyos na NAHAYAG sa LAMAN.
Ang Diyos Anak ay NAGKATAWANG-TAO.
Ngunit HINDI sila[INC] naniniwala, kaya GINAWA nilang SINUNGALING ang BIBLIYA.

Juan 1:14 (SND)

14 NAGKATAWANG-TAO ang SALITA at nanahang kasama natin. Namasdan namin ang kaniyang[Salita] kaluwalhatian, ang kaluwalhatian ng bugtong na ANAK ng Ama.

1 Timoteo 3:16 (SND)

16 Nahayag ito na may katiyakan. Ang hiwaga ng pagkamaka-Diyos ay dakila: NAHAYAG sa LAMAN ang DIYOS. Inihayag ng Espiritu na siya ay matuwid. Nakita siya ng mga anghel. Ipinangaral siya sa mga Gentil. Sinampalatayanan siya ng sanlibutan. Tinanggap siya sa kaluwalhatian.

Hebreo 2:14 (SND)

14 Yamang ang mga anak ay may LAMAN at DUGO, siya[Hesus] din naman ay NAKIBAHAGI ng GANOON, upang sa pamamagitan ng KAMATAYAN ay kaniyang mapawalang-bisa ang diyablo na siyang may hawak ng kapangyarihan ng kamatayan.

MALINAW na si Hesus ay NAGKATAWANG-TAO. At ang SINUMANG HINDI KUMIKILALA na si HESUS ay NAGKATAWANG-TAO AY MGA ANTICRISTO.
SA 1 TIM. 3:16, ALAM NA KUNG SINO ANG DIYOS NA NAHAYAG SA LAMAN KASI ANG AMA HINDI NAMAN NAHAYAG SA LAMAN DIBA KUNDI ANG ANAK.
SAMAKATUWID, DIYOS ANG ANAK NA SI HESUS.

2 Juan 1:7 (SND)

7 Maraming MANLILINLANG ang narito na sa sanlibutan. Sila yaong mga AYAW KUMILALA na si Jesucristo ay NAGKATAWANG-TAO. Ang ganitong tao ay isang mandaraya at ANTICRISTO.

1 Juan 4:3 (SND)

3 Ang bawat espiritung HINDI KUMIKILALA na si HESUKRISTO ay NAGKATAWANG-TAO sa kaniyang pagparito ay HINDI MULA sa Diyos. Ito ang espiritu ng ANTIKRISTO na narinig ninyong DARATING at narito na nga sila ngayon sa sanlibutan.

Ngayon, KUNG TAO LANG TALAGA SI HESUS. SASABIHIN PA BANG SIYA AY NAGKATAWANG-TAO?
PAGSINABING NAGKATAWANG... HINDI TALAGA SIYA TAO AT NAGKATAWAN LANG. KUNG NAGKATAWANG-TAO LANG SIYA, EH ANO SIYA NUNG HINDI PA NAG MANIFEST SA LAMAN?

NGUNIT ATIN MUNANG BABALIKAN ANG MGA SINABI NG PANGINOON, NA HINDI SIYA TAGALUPA KUNDI TAGALANGIT AT BUMABA LAMANG SIYA GALING SA LANGIT.

Juan 6:38 (SND)

38 Ito ay sapagkat ako ay BUMBABA mula sa LANGIT....

Juan 6:58 (SND)

58 Ito ang tinapay na BUMABANG mula sa LANGIT.

Juan 6:50Ang Salita ng Diyos (SND)

50 Ito ang tinapay na BUMABANG mula sa LANGIT. Maaaring kumain nito ang sinuman at hindi mamamatay.

Juan 8:58 (SND)

58 Sinabi ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: BAGO pa si Abraham ay AKO NA.

Juan 17:5 (SND)

5 Ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyong sarili ng
kaluwalhatiang taglay ko nangKASAMA ka BAGO pa LIKHAIN
ang SANLIBUTAN.

Juan 8:23 (SND)

23 Sinabi niya sa kanila: Kayo ay mga taga-ibaba, ako ay TAGA-ITAAS. Kayo ay mga taga-sanlibutan, ako ay HINDI taga-sanlibutan.

**

PATOTOO NG MGA APOSTOL AT NI JUAN MAGBUBUNYAG

Juan 1:30 (SND)

30 Siya ang aking tinutukoy nang sabihin kong may paparitong kasunod ko, na isang LALAKING higit kaysa sa akin sapagkat siya[Hesus] ay UNA SA AKIN.

Juan 1:15 (SND)

15 Si Juan ay nagpapatotoo patungkol sa kaniya. Siya ay sumigaw at nagsabi: Siya ang aking sinasabi na ang PAPARITONG kasunod ko ay mas higit sa akin sapagkat siya ay UNA SA AKIN.

Juan 3:31 (SND)

31 Siya na nagmula sa ITAAS ay higit sa lahat. Siya na nagmula sa lupa ay taga-lupa at nagsasalita ng ukol sa lupa. Siya na NAGMULA sa LANGITay higit sa lahat.

Juan 11:27 (SND)

27 Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Sumasampalataya ako na ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na DARATING sa SANLIBUTAN.

**
'ANG LAHAT NG BAGAY AY NILIKHA SA PAMAMAGITAN NIYA'

COL. 1:16

16 Ito ay sapagkat sa PAMAMAGITAN niya, nilalang ang lahat ng mga bagay na nasa langit at mga bagay na nasa lupa, mga bagay na nakikita o hindi nakikita.

Juan 1:10 (SND)

10 Siya ay nasa sanlibutan. Ang sanlibutan ay NILIKHA sa PAMAMAGITANniya at hindi siya nakilala ng sangkatauhan.

Juan 1:3 (SND)

3 Ang lahat ng mga bagay ay NILIKHA sa PAMAMAGITAN niya. Kung wala siya ay walang anumang nilikhang bagay na nalikha.

1 COR.10:26 SND

26 Ito ay sapagkat
ang LUPA ay sa PANGINOON at ang lahat ng
kasaganaan nito.

**

Ngayon, malinaw ang NASUSULAT sa Bibliya na si HESUS ay NAROON na sa PASIMULA taliwas sa PANINIWALA ng ILAN gaya ng IGLESIA NI CRISTO.
HINDI DAW EXISTED SI HESUS SA PASIMULA NGUNIT SINABI MISMO NG PANGINOON BAGO PA LIKHAIN ANG MUNDO AY NAROROON NA SIYA.

GINAWA PO NILANG SINUNGALING ANG PANGINOON.

NUNG, HINDI PA BUMABA MULA SA LANGIT SI HESUS, NUNG HINDI PA NILIKHA ANG LAHAT NG BAGAY, ANG MUNDO AT ANG MGA TAO,

SINO SIYA NUN?

MAY MGA ANGHEL AT DIYOS LAMANG ANG NANINIRAHAN SA LANGIT ...

SINO BA SI HESUS SA LANGIT, SIYA BA AY ANGHEL NA NAGKATAWANG-TAO O DIYOS NA NAGKATAWANG-TAO?

SA BIBLIYA SINABI WALANG ANGHEL ANG SINABIHAN NG AMA NG GANITO;

Hebreo 1:5 (SND)

5 Alin sa mga ANGHEL ang kailanman ay pinagsabihan ng ganito:
Ikaw ay ang aking ANAK at sa araw na ito ay
ipinanganak kita.
At muli niyang sinabi:
Ako ang magiging Ama sa kaniya at siya ay
magiging Anak sa akin.

Hebreo 1:13 (SND)

13 Kailanman ay HINDI sinabi ng Diyos sa kaninumang ANGHEL:
Umupo ka sa aking kanan hanggang sa gawin
kong tuntungan ng mga paa mo ang iyong mga
kaaway.

MALINAW NA SI HESUS AY HINDI ''ANGHEL'' NA NAGKATAWANG-TAO, DAHIL ANG MGA ANGHEL AY NILIKHA LANG DIN NG DIYOS AT SA PAMAMAGITAN NI HESUS NILIKHA ANG LAHAT NG BAGAY KASAMA NA ANG MGA ANGHEL.

ANG MGA ANGHEL AY HINDI DIN DAPAT SAMBAHIN KAYA HINDI SILA TUMATANGGAP NG PAGSAMBA SA KAHIT NA KANINO, NGUNIT SI HESUS AY TINANGGAP ANG PAGSAMBA SA KANYA SAPAGKAT HINDI SIYA ANGHEL AT LALONG HINDI SIYA TAO LANG,

Pahayag 22:9 (SND)

9 Sinabi niya sa akin: HUWAG mong gawin ito sapagkat ako ay iyong kapwa alipin at gayundin ang iyong mga kapatid na lalaki na mga PROPETA at sa mga tumutupad ng mga salita sa aklat na ito. Ang DIYOS ang SAMBAHIN mo.

Pahayag 19:10 (SND)

10 At ako ay NAGPATIRAPA sa harapan ng kaniyang mg paa upang SAMBAHIN siya[anghel]. At sinabi niya: HUWAG mong gawin iyan. Ako ay kapwa mo alipin at kapatid mong lalaki na taglay ang patotoo ni Jesus. SAMBAHIN mo ang DIYOS sapagkat ang patotoo tungkol kay Jesus ay ang espiritu ng paghahayag.

KAYA MALIWANAG NA SI HESUS AY HINDI ISA SA MGA ANGHEL.
SIYA AY DIYOS SA PASIMULA.

Juan 1:1-2 SND
1Sa pasimula pa ay naroroon na ang Salita. Ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay Diyos. 2 Siya ay sumasa Diyos nang pasimula pa.

John 1:1-2 New International Version
In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was GOD.

**

PAPAANO YUNG TALATA NA ANG DIYOS WALANG KAMATAYAN?

Ans. Totoong ang Diyos WALANG KAMATAYAN. Si Hesus ay NABUBUHAY habang BUHAY. Heb. 7:24
Walang SINUMAN ang MAKAKAPATAY sa PANGINOON.

JUAN 10:17-18 SND

17 Dahil dito, iniibig ako ng Ama sapagkat INIAALAY ko ang AKING BUHA upang ito ay makuha kong muli. 18 WALANG sinumang MAKAKAAGAW nito sa akin. Subalit KUSA ko itong INIAALAY. Mayroon akong kapamahalaang IALAY ito at mayroon akong kapamahalaang KUNIN itong muli. .....

Ganun paman, sinabi man ng Bibliya na ang Diyos WALANG KAMATAYAN.
1 Timoteo 1:17, MISMO din ang Bibliya nagsabi na ang DIYOS NAMATAY. NA ANG DIYOS BINUHOS ANG DUGO PARA ILIGTAS TAYO.

Col. 1:22 SND

22 Ito ay sa KATAWAN ng kaniyang LAMAN sa pamamagitan ng kaniyang KAMATAYAN upang kayo ay maiharap na BANAL at walang kapintasan at walang maipaparatang sa kaniyang paningin.

Gawa 20:28 (SND)

28 Kaya nga, ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan. Sa kanila ay itinalaga kayong mga tagapangasiwa ng Banal na Espiritu upang pangalagaan ninyo ang iglesiya ng DIYOS na binili niya ng SARILI niyang DUGO.

ANG DIYOS AY NAMATAY AT NABUHAY

PAHAYAG 4:8

8At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa't isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi, Banal, banal, banal, ang PANGINOONG DIYOS, ang Makapangyarihan sa lahat, na NABUHAY at nabubuhay at SIYANG DARATING.

IBIG SABIHIN BA NON MAGKAKONTRA-KONTRA ANG BIBLIYA?

HINDI PO !


COL. 2:9 SND

9 Ito ay sapagkat nananahan sa kaniyang KATAWAN ang lahat ng kapuspusan ng KALIKASAN ng DIYOS.

KAHIT NA NAKIKITA SIYA AS HUMAN NATURE NGUNIT HINDI MAITATANGGI NA ANG LAHAT NG KANYANG MGA GINAWA AY HINDI KAYANG GAWIN NA KAHIT NA SINUMAN HUMAN DITO SA MUNDO. NASA ANYONG TAO LAMANG SIYA NGUNIT NASA KALIKASANG DIYOS.

 WALA PONG KONTRA DON DAHIL ANG KALIKASAN NG PANGINOONG HESUS AY HINDI NAMAMATAY !NATURES DON'T DIE. HIS DEATH WAS ONLY REPRESENTED FOR HIS HUMAN NATURE.

**

DAPAT TAYONG MANIWALA NA SI HESUS AY DIYOS NA NSA ANYONG TAO. KAYA NGA SINABI NIYA[Hesus], '

''Ang NAKAKITA sa AKIN ay NAKAKITA sa AMA.'' Juan 14:9

''Sapagkat Siya ang LARAWAN ng DIYOS na HINDI NAKIKITA. '' COL.1:15

Kung ako’y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama. Buhat
ngayon siya’y[Diyos] inyong mangakikilala, at siya’y inyong nakita..Juan 14:7

AT ANG SINUMANG HINDI NANINIWALA NA SI HESUS AY NASA ANYONG DIYOS AY BULAG

2Cor.4:3-4 SND

Kung ang ebanghelyo namin ay natatago, ito ay natatago sa kanila na napapahamak. 4 BINULAG ng DIYOS ng kapanahunang ito ang mga kaisipan ng mga hindi sumampalataya upang hindi lumiwanag sa kanila ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo na siyang ANYO NG DIYOS.

**

SI HESUS SA LUMANG TIPAN

Isaias 40:3

3 Ang tinig ng isang sumisigaw, IHANDA ninyo sa ilang ang DAAN ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating DIYOS.

Malakias 3:1 BMBB

1Sabi ni YAHWEH na Makapangyarihan sa lahat, "Ipadadala ko ang aking su- go upang IHANDA ang DARAANAN ko. At si Yahweh na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipahahayag ang aking tipan."

TAKE NOTE: DARAANAN KO

SO SINO YUNG DARAAN?

Mateo 3:1-3 (SND)

3 Nang panahong iyon, dumating si Juan na tagapagbawtismo. Siya ay nangangaral sa ilang ng Judea. 2 Sinabi niya: Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit. 3 Ito ay sapagkat siya[Hesus] ang TINUTUKOY ni propeta ISAIAS nang kaniyang sabihin:

Ang tinig ng isang lalaking sumisigaw sa ilang.
Sinabi niya: IHANDA ninyo ang DAAN para sa PANGINOON.
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.

SI HESUS PALA YUNG DARAAN. AT SI HESUS NA RIN MISMO ANG NAG-UTOS NA IPAGHANDA SIYA NG ''DARAANAN''.

Isaias 35:4-5

Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, kayo’y mangagpakatapang,
huwag kayong matakot: narito, ang inyong DIYOS ay PARIRITONG may paghihiganti.
May kagantihan ng DIYOS; siya’y paririto at ililigtas kayo. Kung magkagayo’y
MADIDILAT ang mga MATA ng BULAG, at ang mga pakinig ng mga BINGI ay
mabubuksan...

Mateo 11:3-5

.At sinabi sa kaniya, Ikaw baga yaong PARIRITO, o
hihintayin naming ang IBA?..At sumagot si Jesus at sa kanila’y sinabi,
Magsiparoon kayo at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong
nangarinig at nangakikita: Ang mga BULAG ay NANGAKAKITA, ang mga pilay
ay NANGAKALAKAD, ang mga ketongin ay nangalilinis at ang mga BINGI ay
nangakaririnig.

**

SI HESUS ANG KARUNUNGAN NG DIYOS. BAKIT NAGING KARUNUNGAN AT KAPANGYARIHAN NG DIYOS ANG ISANG TAO? WHO CAN EXPLAIN? :)

1 Cor. 1:24 SND

24 Sa mga tinawag, Judio at Griyego, siya ay Cristo na siyang KAPANGYARIHAN ng Diyos at KARUNUNGAN ng Diyos.

**

SINO ANG ''ALPHA AT OMEGA''? O ANG SIYANG UNA AT HULI?

ISAIAS 48:13 ADB (1905)

12Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: AKO NGA; ako ang UNA, ako rin ang HULI.

ISAIAS 44:6 ADB

6Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang UNA, at ako ang HULI; at liban sa akin ay walang Dios.

Pahayag 22:12-13(SND)

12 Narito, malapit na Akong[HESUS] dumating. Ang aking gantimpala ay nasa akin upang igawad sa bawat tao ayon sa kaniyang gawa. 13 Ako ang ALPHA at OMEGA, ang simula at ang wakas, ang UNA at ang HULI.

Pahayag 1: 8

"Ako ang ALPHA at ang OMEGA," sabi ng Panginoong DIYOS na Makapangyarihan sa lahat; Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating.

Pahayag 1:11 (SND)

11 Sinabi nito[SI HESUS ANG NAGSASALITA]: Ako ang ALPHA at ang OMEGA, ang simula at ang wakas. Isulat mo sa isang aklat ang anumang iyong makikita at ipadala mo ito sa mga iglesiya na nasa Asya, sa Efeso, sa Esmirna, sa Pergamo, sa Tiatira, Sardis, Filadelfia at Laodicia.

Pahayag 1:17 (SND)

17 Nang makita ko siya, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan na katulad ng isang taong patay. Ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay at sinabi sa akin: Huwag kang matakot. Ako ang UNA at ang WAKAS.

Pahayag 21:5-7 (SND)

5 Ang NAKAUPO sa TRONO ay nagsabi: Tingnan ninyo, ginawa kong bago ang lahat ng bagay. At sinabi niya sa akin: Isulat mo ito sapagkat ang mga salitang ito ay totoo at tapat.
6 At sinabi niya sa akin: Ang lahat ay naganap na. Ako ang ALPHA at OMEGA, ang SIMULA at ang WAKAS. Ibibigay ko ang tubig ng buhay na walang bayad sa sinumang nauuhaw.
7 Ang magtatagumpay ay magmamana ng lahat ng bagay. Ako ay kaniyang magiging DIYOS at siya ay magiging ANAK KO.

LOGIC:

1. ANG ''ALPHA AT OMEGA'' AY ANG SIYANG ''UNA AT HULI''

2. ANG UNA AT HULI AY SI HESUS

3. SAMAKATUWID, SI HESUS ANG NAGSALITA SA LUMANG TIPAN

4. SI HESUS AY DIYOS

**

KONKLUSYON: SINABI NG PANGINOON NA WALANG SINUMANG NAKAKILALA SA KANYA NG TUNAY KUNDI ANG AMA LAMANG.

Mateo 11:27

...''Walang sinumang LUBOS na nakakakilala sa ANAK kundi ang AMA.''

MALINAW, na maging ang mga APOSTOL, ay HINDI GANAP na NAKAKILALA KAY HESUS ngunit SABI NG PANGINOON, WALANG SINUMANG MAKAKAKILALA SA KANYA NG GANAP KUNG HINDI GUSTUHIN NG AMA.
ANG MGA HINDI GANAP NA NAKAKAKILALA KAY HESUS AY HINDI NIYA NGA TUPA. JUAN 10:26

ANG ''AMA'' ANG SIYANG GANAP NA NAKAKILALA SA ANAK.

AT ANG IPINAKILALA NG AMA SA KANYANG ANAK AY,

'Hebreo 1:8 (SND)

8 Ngunit patungkol sa Anak, sinabi niya:
''O DIYOS, ang iyong trono ay magpakailanman.
At ang setro ng katuwiran ang magiging setro
ng iyong paghahari.''

JESUS IS GOD 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento