TAMA BA ANG MGA PAMBIBINTANG NG MGA KALABAN NG KATOLIKONG SIMBAHAN NA ANG MGA REBULTO DAW PO NATIN AY MGA DIOSDIOSAN?
http://
http://www.ecclesia.org/
~~
NOONG MGA UNANG PANAHON PO KASI SA KANYANG KASAYSAYAN, IPINAGBAWAL SA BAYAN NG ISRAEL NA GUMAWA NG ANUMANG BAGAY NA KUMAKATAWAN SA PANGINOON DAHIL ‘DI NIYA INIHAHAYAG ANG KANYANG SARILI (IN VISIBLE FORM). DAHIL SA KULTURANG PAGANO SA LIPUNAN NG MGA PANAHONG YUN MAS MALAMANG NA MATUKSO ANG MGA ISRAELITA NA SAMBAHIN ANG DIYOS SA IMAHEN NG ISANG HAYOP O ANO MANG BAGAY (HAL: BAKA O ARAW). NAPALIGIRAN PO ANG MGA ISRAELITA NG MGA PAGANONG KULTURA. SA MADALING SALITA USO PO NOON ANG MGA DIOSDIOSAN.
KAYA NGA PO SINABI NG DIYOS NG DIYOS NA WAG GUMAWA NG LARAWANGNG INANYUAN AT LUHURAN O YUKUAN ITO. SAPAGKAT SA PANAHON NG LUMANG TIPAN MGA ANG MAY DIOSDIOSAN NA GUMAWA NG IBAT-IBANG KLASE NG LARAWAN NA WALANG KINALAMAN SA DIYOS AT GINAWA ITONG DIOS DAYA NG GINAWA NA PAGSUWAY NG MGA ISRAELITA NA GUMAWA NG ''GOLDEN CALF'' AT GINAWA ITONG DIYOS AT SINAMBA(PAGLULUHOD AT PAGLILINGKUD SA MISMONG LARAWAN).
PERO KUNG IINTINDIHIN NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA SA EXODUS 20:4 AT DEUTERONOMY 5:8 AT ILALAGAY SA TAMANG KONTEKSTO AY MAKIKITA NATIN NA HINDI ANG MISMONG PAGYUKOD O PAGLUHOD ANG IPINAGBABAWAL KUNDI ANG "PAGSAMBA" O "PAGDIYOS" NA IBINIBIGAY SA BAGAY NA NIYUYUKURAN O NILULUHURAN. ANG PAGSAMBA SA MISMONG LARAWAN ANG PINAGBAWAL NG DIYOS. ANG GUMAWA AT KUMILALA NG IBANG DIYOS MALIBAN SA KANYA[TUNAY NA DIYOS] AY YUN PO ANG TUNAY NA DIOSDIOSAN.
~~
Ex 20:3-5,
“Huwag kayong magkakaroon ng IBANG DIYOS liban sa akin. Huwag kayong uukit para sa inyong mga sarili ng mga DIYUS-DIYOSAN na kawangis ng anumang bagay sa kalangitan sa itaas o sa lupa sa ibaba o sa mga tubig na nasa ilalim ng lupa. Huwag kayong yuyukod o sasamba sa kanila. Ako, ang Panginoon, ang inyong Diyos, ay isang Diyos na mapanibughuin.”
PUNAHIN NINYO NA DIREKTANG TINUTUKOY ANG “IBANG DIYOS” AT MGA “DIYUS-DIYOSAN.” HINDI SINASABI NA BAWAL ANG LAHAT NG URI NG INUKIT TULAD NG MGA IMAHEN, REBULTO O LARAWAN.
NAGING SPECIFIC SI LORD AT TINUMBOK NIYA ANG MGA INUKIT NA BAGAY NA GAGAWING “DIYOS.”
ANG PAGYUKOD O PAGLUHOD AY GINAMIT LANG NA PANLARAWAN DAHIL MAAARI ITONG MAGING "EXPRESSION" NG PAGSAMBA.
PERO ANG MISMONG PAGLUHOD AT PAGYUKO AY HINDI PAGSAMBA.
NOW, KUNG LUMULUHOD BA ANG ISANG TAO SA HARAP NG ISANG REBULTO AY SINASAMBA NA NIYA ITO? KAPAG BINIHISAN BA O PINAGANDA ANG IMAHEN O REBULTO AY DINIDIYOS NA ITO?
HINDI.
ANG PAGSAMBA PO NG KATOLIKO AY IBINIGAY LAMANG SA DIYOS NA TUNAY[TRINIY] AT ANG MGA PAGYUKO, PAGHALIK AT PAGPUPUNAS SA LARAWAN AY TANDA LANG PAGBIBIGAY GALANG SA LARAWAN AT SA INIREREPRESNTA NA DIN NG LARAWAN. HINDI TOTOO NA PATI ANG INANG MARIA AT ANG MGA SANTO AY SINASAMBA KUNDI ANG "DIYOS AMA AT ANAK LAMANG PO KAISA ANG ESPIRITU SANTO".
(CCC ARTICLE 1 THE FIRST COMMANDMENT)
ANG PAGLUHOD AY ISANG PARAAN NG PAGBIBIGAY GALANG O RESPETO. SA ISYU NG MGA IMAHEN AT REBULTO, ANG PAGGALANG O PAGRESPETO AY HINDI SA BAGAY IBINIBIGAY KUNDI SA PERSONA NA INILALARAWAN O IPINAAALALA NITO.
Council of Nicea (A.D. 787) on images [NOT TO WORSHIP THE IMAGES ITSELF CCC]
~~
PERO PAGLIPAS NG PANAHON, INIHAYAG DIN NG DIYOS ANG KANYANG SARILI ‘VISIBLY’ (NAKIKITA NG ATING MGA MATA), TULAD NG NASASAAD SA DANIEL 7:9:
"As I looked, thrones were placed and one that was Ancient of Days took his seat; his raiment was white as snow, and the hair of his head like pure wool; his throne was fiery flames, its wheels were burning fire."
INIHAYAG DIN NG ESPIRITU SANTO ANG KANYANG SARILI SA DALAWANG URI NA MAKIKITA NATIN – ISANG KALAPATI NANG BINYAGAN SI HESUS SA RIVER JORDAN (MATEO. 3:16; MARCOS 1:10; LUCAS 3:22; JUAN 1:32), AT BILANG DILANG APOY (TONGUES OF FIRE) NOONG PENTECOSTES (ACTS 2:1-4). GINUGUHIT ANG DALAWANG IMAHENG ITO NG MGA PROTESTANTE, NAGSUSUOT DIN SILA NG HOLY SPIRIT PINS BUKOD PA SA STICKERS NG KALAPATI SA KANILANG MGA KOTSE.
SUBALIT, HIGIT NA IMPORTANTE, SA PAGKAKATAWANG TAO (INCARNATION) NI HESUS, IPINAKITA NG PANGINOON ANG KANYANG SARILI. SABI NI SAN PABLO,
"SI KRISTO ANG LARAWAN (GREEK: IKON) NG DIYOS NA DI-NAKIKITA. SIYA ANG PANGANAY NA ANAK AT PANGUNAHIN SA LAHAT NG MGA NILIKHA.” SI KRISTO ANG NAKIKITA, NAHAHAWAKANG IMAHE NG ‘DI NAKIKITANG WALANG HANGGANG DIYOS. COL.1:15-16
MABABASA NATIN SA MATEO. 2:11, "PAGPASOK SA BAHAY, NAKITA NILA ANG BATA SA PILING NI MARIA NA KANYANG INA. NAGPATIRAPA SILA AT SINAMBA ANG BATA. INIHANDOG DIN NILA SA KANYA ANG MGA DALA NILANG GINTO, INSENSO AT MIRA.” HINDI IPINAKITA NG DIYOS ANG KANYANG SARILI KAY MOISES SA BUNDOK NG HOREB, NGUNIT SA BETHLEHEM NANG GABING IYON NAKITA NATIN ANG DIYOS SA IMAHE NG ISANG TAO[HESUS].
SAMAKATUWID, NANG NAKIPAG-TIPAN ANG DIYOS SA ATIN (NEW COVENENT), INIHAYAG NIYA ANG KANYANG SARILI ‘IN VISIBLE FORM’ SA PAGKATAO NI HESU-KRISTO.
DAHIL DITO, MAARI TAYONG GUMAWA NG MGA BAGAY NA KUMAKATAWAN SA DIYOS KAY HESUS. MGA LARAWAN NI HESUS AT IBANG MGA TAO SA BIBLIYA AY MAKIKITA NATIN SA MGA BIBLIYA, PICTURE BOOKS, T-SHIRTS, JEWELRIES, BUMPER STICKERS, GREETING CARDS, CALENDARS, BELEN, ETC. INIHAHAYAG DIN SI KRISTO SA SIMBOLO NG ISANG ISDA, ANG ICHTUS NA ISANG ‘FISH EMBLEM.’
COMMON SENSE ANG NAGSASABI SA ATIN NA DAHIL INIHAYAG NA NG PANGINOON ANG KANYANG SARILI SA PAMAMAGITAN NG IBA’T IBANG IMAHE, LALO NA NANG NAG-KATAWANG TAO SI HESUS, HINDI MASAMA NA GUMAMIT NG MGA IMAHE UPANG PALALIMIN ANG ATING KAALAMAN AT PAG-IBIG SA DIYOS. KAYA INIHAYAG NG PANGINOON ANG SARILI NIYA SA MGA BAGAY NA NAHAHAWAKAN, NAKIKITA. KAYA DIN MAY MGA LITRATO AT IMAHEN.
YAN ANG MGA BAGAY ANG HINDI MAINTINDIHAN NG MGA ANTI-KATOLIKO NA NA MAY SARI-SARING PANINIRA SA NAG-IISANG SIMBAHANANG KATOLIKO NI KRISTO. MGA BAGAY NA ''PANINIRA AT PANGHUHUSGA'' NA SA KAPWA ANG KANILANG MGA GINAWA NA SIYANG MAGDUDULOT NG KAPAMAHAKAN SA KANILA. NAWA'Y MABUKASAN NILA[PROTESTANTS, ISLAMS OR MUSLIMS. DENOMINATIONS AND ALL NON-CATHOLIC MEMBERS] ANG KANILANG MGA PUSO AT ISIPAN AT BUMALIK SA DATING TUNAY NA TAHANAN.
BUOD:
DAPAT BIGYANG LINAW NA ANG MGA KATOLIKO’Y HINDI NAGLALAGAY NG REBULTO O IMAHE SA ALTAR UPANG SAMBAHIN BILANG DIYOS. ANG MGA REBULTONG ITO AY IBA SA MGA REBULTO (O MAGING IMAHE) NA IPINAGBABAWAL NG DIYOS. ANG MGA REBULTONG ITO AY SUMASALAMIN LAMANG SA DIYOS AT HINDI TALAGA ANG MISMONG SINASAMBA NA GAYA NG GINAGAWA NG MGA PAGANO NOON. KAPAG HUMARAP ANG ISANG KRISTIYANO AT NAGDASAL SA ISANG REBULTO NI HESUS, NATURAL NA HINDI MISMO SA REBULTO ANG HINIHINGAN NG KASAGUTAN, TAWAD O PINASASALAMATAN KUNDI ANG NI-RE-REPRESENT NITO—SI HESUS LANG!.
AMEN
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento